Huwebes, Oktubre 2, 2014

ANO NGA BA ANG SILBI SA ATIN NG KOMPYUTER?
ni Eldrine M. Perez (HaveYouSeenthisGay?)


Ayon sa wikipedia, Ang isang kompyuter o computer ay isang pangkalahatang paggamit na kasangkapan na maaaring iprograma upang magsagawa ng isang may hangganang hanay ng mga operasyong aritmetiko o lohikal. Dahil ang isang sunod sunod na mga operasyon ay maaaring handang mabago, ang kompyuter ay makalulutas ng higit sa isang uri ng problema. Ano ba ang papel na ginagampanan ng kompyuter sa ating buhay? malaki! Sa araw araw na gawain ng mga mag-aaral, nagoopisina at ano pang trabahong pangpapel ay napakalaking tulong ng kompyuter. kung dati ay may "Type Writter" na kapagnagkamali ka sa pagtitipa ng letra ay mahirap nang burahin. Iba ang kompyuter dahil sa kompyuter ay maaari mo pang mabura at marami pang pupwedeng gawin dahil sa makabago na ang ating teknolohiya..lahat at maaari mo nang gawin. Si Ginoong Taylor ay mayroong tinatawag na Una, ang Computer as a Tutor na kung saan ang kompyuter mismo ang magtuturo sa 'yo kung paano gawin ang isang apliksyon. sa sitwasyong ito ay ikaw ang estudyante ng kompyuter. Pangalawa, Computer as a Tutee-  ang kompyuter naman ang tuturuan mo o ikaw mismo ang magtuturo, magdidikta kung ano ba ang dapat na gawin o hihingin. Ikatlo, Computer as a Tools- o kasangkapan na kung saan ang computer aplities ang ginagamit upang matugunan ang mga akademikong gawain.



Sa aking naobserba sa Justice Emilio Angeles Gancayco Memorial High School na kung saan ito ang aking Cooperating School. Aking napuna na iilan lamang ang kanilng kompyuter sa kanilang paaralan at ang mga STEP o SSC lamang ang gumagamit o pinapagamit ng kompyuter dahil na rin siguro sa kakulangan ng kompyuter at pasilidad sa kanilang paaralan. Hindi masyadong nagagamit ang kompyuter at mga makabagong teknolohiya dahil sa kakulangan ng mga ito. Nagtanungtanung ako sa mga kaguruan kung gumagamit ba sila ng makabagong teknolohiya. kaonte lamang ang ang gumagamit. May kakulangan daw kasi. Nais man nilang gumamit ngunit limitado lamang ang comuter at iba pang materyal.


ANO ANG ADBENTAHE AT DISADBENTAHE NG PAGGAMIT NG KOMPYUTER?

Ang adbentahe ng kompyuter sa isang indibidwal ay mapapadali na ang isang gawaing komplekado. ito rin ang makakatulong sa atin upang makibalita sa loob at labas ng bansa gamit ang tinatawag na "internet". Maaari rin na mapadali ang pagsisearch ng mga impormasyon gamit ang internet. ang disadbentahe  naman ng kompyuter sa buhay ng isang indibidwal ay maaaring magkaroon ng nigatibong epekto ito sa isang indibidwal tulad ng pag punta sa computer adicction na usong uso ngayon ang mga online games. Maaaring makadistrak ito sa pag-aaral ng isang indibwal dahil sa usong uso ngayon na "Social Networking Site" tulad ng "Facebook, Twitter, Instagram, tubmlr at iba pa". dahil sa maraming oras na paglalaan ng mga kabataan sa internet ay tila nawawalan na sila ng oras sa pag-aaral dahil nakababad na lamang sila sa kompyuter. nagiging tamad ang isang indibidwal sa paggamit ng kompyuter.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento